WIKA NG PAGKAKAISA
"Wika ng Pagkakaisa" ang tema ng buwan ng wika para sa taong ito na layong ipaalala sa atin na ang pagkakaisa ng isang bansa ay naipapakita sa paggamit ng sariling wika. Kaya mula Batanes hanggang Jolo nagkakaisa ng bawat Pilipino dahil ang gamit nila'y wikang Filipino.
Sa bansang tinaguriang Perlas ng Silangan, may isang wika ang natatangi at siyang nagbubuklod-buklod sa mamamayang Pilipino at walang iba kundi ang wikang Filipino. Wika na tinagurang kaluluwa ng ating bansa. Ngunit sa paglupig ng mga wikang banyaga sa ating pambansang wika, nagagamit pa ba natin ito? o mas binibigyang pansin at mas binibigyang halaga na natin ang mga wikang banyaga katulad ng Ingles? Sa modernong panahon ngayon hindi na natin masyadong nagagamit ang ating pambansang wika. Halimbawa na lamang nito, ay ang pagbibigay natin ng ating mga talumpati, mas nagagamit na natin ng wikang Ingles laysa sa wikang Filipino dahil sa ating pagkakaalam na tayo'y mas igagalang at mas rerespetuhin ng mga tao. Ngunit ating isaisip na mas mahalaga pa rin ang paggamit ng ating sariling wika para tayo'y magkaisa, magkaintindihan at higit sa lahat magkaunawaan. Dahil ang bansang nagkakaisa ay isang bansang nagtutulungan at may magandang pakikitungo sa isa't-isa.
Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto na siyang buwan ng ating pambansang wika huwag nating kalilimutan na gamitin pa rin ang ating pambansang wika nang sa ganun tayo'y magkaisa sa iisang hangarin na isabuhay at isaisip na ang wikang Filipino ay wikang pambansa ng perlas ng silangan. Mabuhay mamamayang Pilipino. Mabuhay Pilipinas.

No comments:
Post a Comment